Minsan, may bagay talaga na inakala mong mangyayari pero hindi pala ganun. Parang yung expectation ko lang ngayong araw na to. Hehe. Hindi naman ako mahilig mag-expect na tao, pero ewan ko ba kapag birthday ko di ko mapigilang di mag-expect na may something special na mangyayari. Ganun pa man, God has His ways in showing how special my day would be. Minsan lang talaga di ko agad maappreciate dahil sa dami ng hinahanap ko pa. At ngayong 20th birthday ko, narealize ko lang na yung bagay na lagi kong hinihiling tuwing magbibirthday ako, hinding hindi niya kinalimutang ibigay sakin all the time. Hmm.
Masasabi ko man na kulang ang araw na to kasi di ko nakasama ang parents ko, bunso kong kapatid at boyfriend ko dahil may kanya kanyang silang lakad, naging happy naman ako kasi nakapagbonding din kami ng dalwa ko pang kapatid at mga pamangkin ko. I think yung mga simpleng bagay na meron ako, malaking blessing na yun from God. Minsan lang talaga, sa paghahanap natin ng mga bagay na wala, hindi na natin mapansin yung mga andyan!
Ayun lang. I still had a very happy birthday cause God always gave me my wish during my birthdays (ang pag-guide niya sa mga taong mahal ko sa buhay at paglayo sa kanila sa kapahamakan) :-)
Good luck to me for another chapter of my life journey..
